Bading tumungga ng lason

MANILA, Philippines - Isang bading na beautician na sinasabing bigo sa pag-ibig ang nag-sui­cide sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner sa Sta. Mesa, Maynila kamakalawa.

Malagim ang naging wakas ng pag-ibig ng isang Juan Baldisimo, 46, ng Kagitingan St., Tondo, nang matagpuan ang walang nang buhay na katawan nito dakong alas-6 ng gabi kama­kalawa.

Sa ulat ng pulisya, nakuha ang suicide note ng nasawi na nakapaskil sa salamin ng Joan Ganda­ Parlor na nagpapakitang pag-big ang dahilan

“Sam, ma­sama ang loob ko sayo walang utang na loob”, nakasaad sa suicide note.

Ayon sa nakalap na impormasyon umaga ng Biyernes, dakong alas- 11:00 nang makitang ka­usap pa ng biktima ang karelasyon na kinilala sa alyas na Sam.

Hindi na ipinatuloy ng pamilya ng biktima ang malalimang imbestigasyon dahil naniniwala umano sila na walang foul play sa pagkamatay nito.

Malaki ang hinala ng awtoridad na kinalasan o pinagtaksilan ito ng nobyo na nakarating sa kaalaman ng biktima kaya posibleng nagpasiya itong magpatiwakal.

Show comments