^

Metro

Beautician ninakawan, tinodas

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pinatay matapos pagna­kawan ang isang 65-anyos na bading na beautician at may-ari ng isang beauty parlor, sa C.M. Recto, Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

May tama ng bala ng 9mm kalibre na baril nang ma­tagpuang nakahandusay at duguan sa loob ng comfort room si Francisco Patawaran, tubong Minalin, Pampanga at nagmamay-ari ng Peachy Beauty Parlor  at matatagpuan sa #304 Claro M. Recto Ave., Binondo.

Pinaghahanap na ang suspect na inilarawan lamang ni John Rivero, pamangkin ng biktima, na nasa edad na 35-38, may taas na 4’10’’, payat at huling nakitang nakasuot ng jersey na sando, kulay pula.

Sa ulat ni SPO2  Edmundo Cabal,  ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11:30 ng gabi nang madiskubre ni Rivero ang wala nang buhay na biktima sa CR ng parlor nito.

Sinabi ni Rivero na huli niyang nakita ang tiyuhin na nanonood ng telebis­yon habang ang customer umanong lalaki ay naka­harap sa salamin at nakabalot ang ulo, na aniya’y posib­leng nagpa-hot oil treatment.

Nagtungo umano siya sa kalapit na internet shop upang maglaro ng video games at nang bumalik siya sa parlor bandang 11:30 ng gabi, bahagyang bukas ang pintuan at nang pumasok upang alamin kung nasaan ang tiyuhin, nasorpresa umano siya nang makita sa banyo na nakahandusay.

Nawawala rin umano ang belt bag ng biktima na naglalaman ng pera at mahahalagang gamit.

Patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang tunay na nangyari at kung sino ang pumaslang sa biktima.

vuukle comment

BINONDO

CLARO M

EDMUNDO CABAL

FRANCISCO PATAWARAN

JOHN RIVERO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PEACHY BEAUTY PARLOR

RECTO AVE

RIVERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with