^

Metro

50,000 recruits kailangan ng PNP

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nangangailangan ang Philippine National Police (PNP) ng kabuuang 50,000 mga bagong recruits upang mapunan ang 140,000 lakas nito na naglalayong mapanatili ang kapayapaan sa mahigit 100 milyong ma­mamayan sa bansa.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Director General Nicanor­ Bartolome na amina­dong kulang na kulang ang mga opisyal at miyembro ng pulisya.

Nabatid naman na unti-unti lamang ang recruitment ng PNP dahil hindi ito kayang tustusan ng kanilang pondo.

Ayon kay Bartolome, sa darating na Nobyembre ay sisimulan na ng PNP ang pagsasanay sa 6,000 mga bagong recruits.

Ito’y sa gitna na rin ng na­ka­takdang pag-alis sa serbisyo ng may 3,000 pulis na magreretiro, nagbitiw at mga nadismis.

Sa kasalukuyang ratio ng PNP, isang pulis ang gumaganap ng tungkulin sa bawat 743 katao na mas mababa sa ideal na 1:5 ratio.

Sa katunayan, ayon kay Bartolome, bunga ng kakulangan ng mga pulis ay 12 oras nagsisipagtrabaho ang mga pulis sa halip na 8 oras lamang at dito’y hindi na sila humihingi ng overtime pay.

vuukle comment

AYON

BARTOLOME

CHIEF DIRECTOR GENERAL NICANOR

NABATID

NANGANGAILANGAN

NOBYEMBRE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PNP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with