^

Metro

3 huli sa drug-bust

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng PNP-Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) at Taguig City Police sa isinagawang buy-bust ope­ration kung saan mahigit sa isang milyong halaga ng shabu ang nakumpiska, kamakalawa ng gabi sa naturang lungsod.

Nakilala ang mga nadakip na sina Dominador Ninga, 25; kalive-in na si Inee Urda­neta, 28; at Myrna Capio, 52, pawang mga residente ng Brgy. Guadalupe, Makati City. Nakumpiska sa mga ito ang mahigit sa 300 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.

Sa ulat ng pulisya, ilang linggong isinailalim sa surveillance at negosasyon ng mga asset ng AIDSOTF ang mga suspek hanggang sa magkasundo na magbabayaran ng malaking bulto ng iligal na droga. 

Dito na nakipagkoordinas­yon ang AIDSOTF sa Taguig City Police para sa naturang buy-bust operation sa parking area ng Market Market sa Global City.

Sa kabila naman ng pagkahuli sa akto, tuloy pa rin sa pagpapalusot ang mga suspek nang ikatwiran ni Capio na namamasyal lamang umano siya habang inamin naman ng magka-live-in na napag-utusan lamang sila kapalit ng P20,000 komisyon habang idiniin rin si Capio na siyang negosyador nila.

vuukle comment

BRGY

CAPIO

DOMINADOR NINGA

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

GLOBAL CITY

INEE URDA

MAKATI CITY

MARKET MARKET

MYRNA CAPIO

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with