^

Metro

3 holdaper bulagta sa shootout

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang tatlong holdaper makaraang makasa­gupa ng mga rumispondeng tauhan ng Manila Police District-Station 4, matapos holdapin ng mga ito ang isang pampasaherong dyip, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Inilarawan ni SPO3 Ed Cabal, ng MPD-Homi­cide Section ang isa sa edad na 20-25; katamtaman ang pangangatawan; nakasuot ng stripe gray na polo, maong na shortpants; tsinelas na dilaw, tattoo na mukha ng isang babae sa kanang dibdib at armado ng kalibre 22. Isa dito ay nasa 30-35 anyos, may taas na 5’8; meduim built; nakasuot ng kulay puting t-shirt ; pantalong itim; puting tsinelas at may tattoo sa bandang itaas ng kanang dibdib na “Donat” at “Hermy” sa kaliwang itaas ng dibdib, at armado naman ng kalibre 38 na paltik, habang ang isa pa ay nasa edad 21; hanggang 25; 5’8 ang taas, katamtaman ang katawan; nakasuot ng t-shirt na puti at berdeng shotpants.

Sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang maganap ang nasa­bing insidente sa underpass sa Quezon Boulevard at España Avenue sakop ng Sampaloc.

Nauna rito, nagpapatrul­ya ang mobile car 2413 ng MPD-Sampaloc Police Station 4 nang namataan ang ko­mosyon sa loob ng isang jeep habang nasa ilalim ng Quezon Blvd.

Sumakay umano sa tapat ng Quiapo church ang tatlo at pagsapit ng dyip sa ilalim ng Quezon bridge ay nagdeklara ng holdap at habang nakatutok ang mga baril ay mabilis na kinulimbat ang mga mahahalagang kagamitan ng mga pasahe­ro.

Habang papatakas ay nakipagpalitan pa ng putok ang mga suspect nang ma­kita ang pagresponde ng mga pulis na nagpapatrulya sa lugar. Gumanti naman ng putok ang pulis na ikinatama sa tatlong suspect. Dalawa sa mga ito ang namatay noon din, habang ang isa na isinugod pa sa pagamutan pero hindi na rin umabot nang buhay.

vuukle comment

DALAWA

ESPA

GUMANTI

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

QUEZON BLVD

QUEZON BOULEVARD

SAMPALOC POLICE STATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with