Riding in tandem na snatcher, timbog

MANILA, Philippines - Naispatan ang riding in tandem na snatcher ng mga tauhan ng Manila Police District sa aktong nanghahablot ng bag ng isang babae na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga ito sa Sta Ana, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga suspect na sina Alexander Orsal, 25 at Anthony Diaz.

Sa ulat, ang biktimang si Chiradee Benedicto, 25, real state consultant, naglalakad siya sa Tejeron St., Sta Ana nang dikitan ng mga suspect na magkaangkas sa motorsiklo (1900-WR) na tiyempo namang nakita ng mga pulis dakong alas-3:00 ng hapon noong (Miyerkules).

Nabawi ang bag ng biktima na naglalaman ng passport, dalawang cellphone at iba pang kagamitan.

Show comments