^

8-katao timbog sa droga

- Ricky ­Tulipat () - July 9, 2011 - 12:00am

MANILA, Philippines - Walo katao na sangkot sa ilegal na operasyon ng droga ang naaresto sa magkakahiwalay na anti-illegal drugs operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Mandaluyong City at Quezon City, iniulat kahapon. Kinilala ang mga suspect na sina Jonathan Bautista; Angelyne Arca; Anita Gubala; at Jeselyn Mahusay; pawang mga residente sa Mandaluyong City; Adrian Varquez; Arnel Varquez; Tomas Gomez; at Fernando Gonzales; ng Quezon City. Ang pag-aresto sa mga suspect ay bunga ng isang linggong surveillance sa kani-kanilang mga lugar bunsod ng impormasyong sila ang nagtutulak ng shabu na ipinapakalat sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila. Ang mga suspect ay nasa kustodiya ngayon ng PDEA MMRO sa Quezon City habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 laban sa kanila.

ADRIAN VARQUEZ ANGELYNE ARCA ANITA GUBALA ARNEL VARQUEZ DRUG ENFORCEMENT AGENCY FERNANDO GONZALES JESELYN MAHUSAY JONATHAN BAUTISTA MANDALUYONG CITY QUEZON CITY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with