2 'tulak' arestado

MANILA, Philippines - Natimbog ng mga ta­uhan ng Manla Police District (MPD) ang dalawang lalaki na pinaniniwalaang tulak ng iligal na droga, sa isang buy-bust operation, sa Paco, Maynila.

Nakapiit ngayon sa MPD-Station10, ang da­lawang arestadong suspect na sina Juan Ablaza Yabut, 31;  at Reynaldo Zita Quiambao, 54, kapwa naninirahan sa Sta. Maria St., Paco, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi kamakalawa ng isagawa ang buy-bust operation sa Block 12,   Sta. Maria St., sa Paco.

Nakabili umano ang ‘asset’ ng mga pulis sa dalawang suspect at nang dambahin ito ay nakum­piskahan din ng ilang sachet­ ng shabu sa bulsa, bukod sa narekober na marked-money.

Matapos ang inquest proceedings, walang inirekomendang piyansa para sa dalawang suspect na kinasuhan ng paglabag sa Sec. 5 in relation to Sec. 26 (drug pushing) at Section 11 ng R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).   

Show comments