^

Metro

Barker tepok sa mala-Pacman na suntok ng driver

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines -  Mala-Pacman na suntok ang pumatay sa isang 39-anyos na barker buhat sa nakatalo nitong driver kahapon ng umaga sa Malabon City.

Binawian ng buhay ha­bang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktimang si Teofisto Mana­lastas, ng Aves Compound, Sangandaan, Caloocan City.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na Ar­nulfo Lepiten Jr., 34, ng Pacencia St., Brgy. Tugatog, Malabon.

Dakong alas-11:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa Caltex gasoline station na matatagpuan sa ka­habaan ng M.H. del Pilar, panulukan ng Gov. Pascual Avenue ng nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, kasalukuyang nagtatawag ng pasahero ang biktima nang duma­ting ang suspek na nakigulo sa ginagawa ng una dahilan upang magtalo hanggang sa nauwi sa relihiyon ang argumento ng dalawa na lalong kapwa uminit ang damdamin.

Dito na nagmistulang ala- Pacman ang suspek nang suntukin nito ng malakas ang biktima, dahilan upang matumba ito at mabagok ang ulo sa semento.

Dali-daling dinala sa nabanggit na pagamutan ang biktima ng ilang taong naroroon, samantalang ang nabanggit na suspek ay mabilis na tumakas.

vuukle comment

AVES COMPOUND

AYON

BINAWIAN

CALOOCAN CITY

LEPITEN JR.

MALABON CITY

PACENCIA ST.

PASCUAL AVENUE

TEOFISTO MANA

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with