^

Metro

Operasyon ng LRT-1, nagkaaberya na naman

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Kaliwa’t kanang reklamo ang tinanggap ng Light Rail Transit Administration (LRTA) kahapon ng umaga, kasunod nang panibagong aberya na naganap sa LRT-1, matapos na bumagal ang takbo ng isang tren, na nakaapekto sa buong operasyon ng naturang linya at naging sanhi nang pagkaantala ng biyahe ng maraming nagmamadaling pasahero.

Ipinaliwanag naman ni LRT Administration spokesman Hernando Cabrera na ang problema ay naganap dakong alas-9:38 ng umaga matapos na isang coach ng LRT-1 na patungong Baclaran ang biglang bumagal ang takbo, na sanhi upang magkaroon ng chain reaction at maapektuhan at maantala maging ang biyahe ng mga kasunod nitong tren.

Maging ang mga tren na patungong Monumento ay na­apektuhan rin umano ng naturang aberya.

“Pag-alis niya papunta sa EDSA station, bumagal ang takbo. Ang nangyari halos 10 kph ang takbo. Ang tren sa likod papunta­ Baclaran na-delay di makatakbo nang ma­ayos,” ayon kay Cabrera.

Kaagad naman umanong ipinag-utos ng LRTA ang pag-aalis ng nagkaaberyang tren mula sa linya nang makaabot ito sa Baclaran station at kaagad na dinala sa LRT depot para sa inspeksiyon at pagkukumpuni.

Naibalik din naman sa normal ang sitwasyon sa LRT-1 kahapon ng tanghali.

vuukle comment

BACLARAN

CABRERA

HERNANDO CABRERA

IPINALIWANAG

KAAGAD

KALIWA

LIGHT RAIL TRANSIT ADMINISTRATION

MONUMENTO

NAIBALIK

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with