^

Metro

Rosel Peñas may dati nang kaso

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang mapanlinlang, may dating kaso ng qualified theft na posibleng miyembro ng isang notoryus na sindikato ng carjacking si Rosel Peñas, ang naghudas na bilas ng veteran actress na si Pilar Pilapil na pinagtangkaang patayin noong Marso 14.

Ito ang ibinunyag kahapon ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director P/Chief Supt. Samuel Pagdilao base sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng binuong Special Investigating Task Group (SITG) Pilapil sa kaso ng aktres.

Ayon kay Pagdilao, mismong si Pilar ay hindi makapaniwala na magagawa siyang traydurin ni Peñas na kinupkop niya sa kanyang taha­nan su­balit ngayon ay kumbinsido na ito na pakana lahat ni Peñas ang lahat.

Nabatid sa opisyal na da­ting namasukan may 2 taon na ang nakakaraan sa isang mayamang pamilya sa Metro Manila si Peñas pero nang makuha nito ang tiwala ay pinagnakawan kung saan nang mapanood sa telebisyon ang larawan ng suspek ay positibo itong kinilala ng pamilya ng biktima.

Samantala, pinatira rin ng aktres sa kanyang tahanan si Peñas dahil misis ito ng ka­patid ng kanyang live-in partner na si Bert Peñas pero nagawa pa rin nitong traydurin si Pilapil. 

vuukle comment

AYON

BERT PE

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR P

METRO MANILA

PILAR PILAPIL

ROSEL PE

SAMUEL PAGDILAO

SPECIAL INVESTIGATING TASK GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with