^

Metro

Barker dinedo ng pasahero

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Patay ang isang barker matapos na tatlong ulit na barilin ng malapitan ng hindi pa nakikilalang pasahero kamakalawa ng gabi sa Pasig City. 

Agad na nasawi ang biktimang si Diosdado Maningas, alyas “Lindol,” ng 254-West Bank Road, Floodway, Brgy. Rosario, Pasig City, bunsod ng tinamong tama ng bala ng baril sa kaliwang tenga na tumagos sa mukha at dibdib.

Inaalam na naman ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng tumakas na suspect.

Batay sa paunang ulat ni PO3 Rolando Lipana, ng Station Investigation Detective Management Branch (SIDMB), lumilitaw na dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang krimen sa Jenny’s Avenue kanto ng West Bank Road, Floodway.

Sinasabing abala ang biktima sa pagtatawag ng mga pasahero nang biglang bumaba mula sa isang pampasaherong jeep na may biyaheng Marikina ang suspect at walang sabi-sabing nilapitan ang biktima, tinapik sa balikat at nang lumingon ay saka tatlong ulit na pinaputukan ng dala nitong .9mm na baril.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng pamamaslang.

vuukle comment

BATAY

BRGY

DIOSDADO MANINGAS

INAALAM

LINDOL

PASIG CITY

PATAY

ROLANDO LIPANA

STATION INVESTIGATION DETECTIVE MANAGEMENT BRANCH

WEST BANK ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with