^

Metro

Salvage victim natagpuan

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan sa tapat ng isang unibersidad sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.

Inilarawan ni  Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima sa edad na 30 hanggang 35, may taas na 5’4’’, nakasuot ng light blue t-shirt at gray na short pants.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5 ng madaling-araw nang mapuna ng isang ginang ang nakahandusay na biktima sa tabi ng basurahan sa Lerma St. sa tapat ng Far Eastern University (FEU).

Hinala ng pulisya na posibleng biktima ito ng salvage kung saan may nakitang hiwa sa kanyang leeg.

Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Yvan Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.

vuukle comment

ARMAND MACARAEG

BIKTIMA

DINALA

FAR EASTERN UNIVERSITY

HINALA

INILARAWAN

ISANG

LERMA ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

ST. YVAN FUNERAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with