^

Metro

Sunog sa Parañaque at Makati

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Umabot sa higit 50 kabahayan ang natupok sa naganap na dalawang sunog sa lungsod ng Parañaque at Makati.

Unang sumiklab ang sunog dakong alas-8:30 ng gabi sa isang squatter’s area sa may Fouth Estate, San Antonio Village, Parañaque na umabot ng ikaapat na alarma at naapula lamang dakong alas-9:54 ng gabi.

Wala namang naiulat na nasaktan sa naturang sunog kung saan umabot sa P400,000 ang halaga ng ari-ariang natupok.

Dakong alas-11 kahapon naman ng umaga nang su­miklab ang apoy sa mga kabahayan sa Gen. Luna Street, Brgy. South Cembo, Makati City. Agad namang naapula ng mga miyembro ng pamatay-sunog ang apoy kung saan nasugpo ito matapos ang kalahating oras.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga arson investigators sa sanhi ng naturang sunog habang humiling na ng saklolo ang mga higit sa 70 pamilya na nawalan ng tirahan sa mga mayor sa dalawang lungsod.Hindi pa mabatid kung ano ang pinagmula ng sunog.

vuukle comment

BRGY

DAKONG

FOUTH ESTATE

LUNA STREET

MAKATI

MAKATI CITY

PATULOY

SAN ANTONIO VILLAGE

SOUTH CEMBO

SUNOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with