Tumanggi sa tagay tinarakan

MANILA, Philippines - Dahil sa pagtanggi sa alok na tagay, pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 32-anyos na lalaki ng isang kilalang siga sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Cayetano Ignacio, ng Da­gupan St., Tondo sanhi ng tinamong mga saksak sa likurang bahagi ng kanyang katawan.

Hinahanting naman ng mga awtoridad ang suspect na kinilalang si Gener Solomon, alyas “Geneng” na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Dagupan St., Tondo, Maynila habang papauwi na ng bahay ang biktima nang madaanan ang suspect na umiinom ng alak. Inalok umano ng suspect ang biktima na tumagay muna na tinanggihan naman ng huli at ikinagalit na una.

Nakatalikod na ang biktima nang sundan ito ng sus­pect at pinagsasaksak sa li­ku­ran na naging sanhi ng kama­tayan nito.

Show comments