Drug den ni-raid ng PDEA, 3 bebot tiklo

MANILA, Philippines - Tatlong kababaihan ang nadakip ng tropa ng Metro Manila Regional Office (MMRO) ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang raid sa isang drug den sa lungsod ng Marikina, ini­ulat kahapon.

Nakikilala ang mga suspect na sina Salima Lee, alyas Salima at Vilma; Lorenza Abdul; at Teresita Peñalosa; pawang mga naninirahan sa Marikina City.

Nadakip ang mga suspect sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Amor A. Reyes, Exe­­cutive Judge ng Branch 21, RTC Manila sa mis­mong bahay ni Salima sa may Riverside, Brgy. Tumana­ sa lungsod.

Narekober sa mga suspect ang 3 plastic sachet na naglalaman ng shabu at isang piraso ng plastic sachet na may residue ng shabu.

Show comments