^

Metro

Riding in tandem sumalakay: Driver, 11-anyos todas

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Isang tricycle driver, na dati umanong bilanggo, at  isang 11-taong gulang na batang lalaki ang kapwa nasawi makaraang ratratin ng bala ng dalawang hindi pa kilalang suspect na magka-angkas sa isang motorsiklo sa Marikina City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang biktimang si Romy Sinlao, tricycle driver at residente ng Daang Bakal #126 Bagong Silang St., Parang, Marikina City, dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Hindi na rin naisalba pa ng mga doktor ng St. Vincent Hospital ang biktimang si Lace Justin Lira, 11, ng nasabi ding lugar matapos na bawian ng buhay kahapon ng madaling-araw dahil sa tinamong tama ng ligaw na bala sa ulo.

Pinaghahanap ng mga awtoridad ang dalawang suspect na tumakas sakay ng kulay puting MIO motorcycle na walang  plaka matapos ang krimen, patungo sa direksiyon ng J.P. Rizal St., Parang, Marikina City, bitbit ang .9mm pistol na ginamit sa pamamaril.

Sa report ni PO2 Mario C. Castillo, Jr., nakatalaga sa Mobile Patrol Division, dakong 10:45 ng gabi nang maganap ang pama­ma­ril sa harapan ng bahay ng biktima.

Iginagarahe umano ng biktima ang kanyang tri­cycle (2195-TG) nang bigla na lang sumulpot ang mga suspect na magkaangkas sa motorsiklo at pagtapat sa biktima ay kaagad itong pina­­ulanan ng bala.

Sinasabing nakaupo naman sa gilid ng kalsada ang bata kung kaya’t minalas na tamaan din ito ng ligaw na bala sa ulo.

Narekober ng EPDC-SOCO Team sa lugar­ crime scene ang siyam na basyong bala ng kalibre .9 mm pistola.

Ayon sa pulisya, si Sinlao ay dati umanong nakulong sa hindi agad natukoy na asunto at kalalaya pa lamang.

AMANG RODRIGUEZ MEMORIAL MEDICAL CENTER

BAGONG SILANG ST.

DAANG BAKAL

LACE JUSTIN LIRA

MARIKINA CITY

MARIO C

MOBILE PATROL DIVISION

RIZAL ST.

ROMY SINLAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with