^

Metro

Kelot inutas sa bahay

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Blangko pa ang mga awtoridad sa pagkilanlan at motibo ng pamamaslang sa isang 37-anyos na lalaki  na pinasok at binaril sa loob ng kanyang bahay, sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Christopher Nobla, ng #714-C Balingkit, Leveriza St., Malate,  Maynila.

Walang nakakita sa insi­dente ng pamamaril kaya’t malabong matukoy umano kung sino ang salarin na patuloy pang iniimbestigahan.

Sa ulat ni PO1 Roderick Pacilan, dakong alas-8 ng gabi kamakalawa ng maganap ang insidente sa bahay ng biktima na nasa ikatlong palapag ng gusali.

Ayon umano sa live-in partner ng biktima na si Elaine Miranda, ganap na alas-6 ng hapon nang magtungo siya sa palengke upang mamili ng panindang fish ball at gamot kaya naiwan niyang nag-iisa ang biktima.

Nang umuwi siya makalipas ang dalawang oras ay nadatnan niyang duguan at naghihingalo ang biktima kaya agad siyang nagpatulong sa kapitbahay na si Rosario Valente upang madala sa pagamutan. 

Dinala sa Universal Funeral Homes ang bangkay ng biktima para sa autopsy at safekeeping.

vuukle comment

AYON

BLANGKO

C BALINGKIT

CHRISTOPHER NOBLA

ELAINE MIRANDA

LEVERIZA ST.

MAYNILA

RODERICK PACILAN

ROSARIO VALENTE

UNIVERSAL FUNERAL HOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with