^

Metro

2-anyos dedo sa silver cleaner

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines –  Isang 2-anyos na batang lalaki ang nasawi matapos makainom ng silver cleaner­ na nakalagay sa isang baso, habang kasama ng mga magulang sa pamimili sa Ilaya (Divisoria), Tondo, Maynila,kamakalawa ng hapon.

Mabilis na naisugod sa Mary Jhonston Hospital ang biktimang si Manny Bacani,  ng Block 1 Creeksite, Sucat Muntinlupa City, su­balit  namatay din habang nilalapatan ng lunas, dakong-6 ng hapon. 

Sa ulat ni SPO2 Henry Ignacio ng Manila Police District-Homicide Section, abala umano ang ina at ama ng biktima sa pamimili sa mataong lugar nang hindi umano napuna na may dinampot na baso ang bata, na pag-aari umano ng isang sidewalk vendor.  

Posibleng dahil sa uhaw ay naisipang inumin ang laman ng baso na inakalang tubig.

Hindi na nakakuha pa ng impormasyon ang imbestigador dahil sa pagtanggi ng mga magulang ng bata na imbestigahan ang kaso.

Hindi rin umano sinisi o sinampahan ng reklamo ang tindera na may-ari ng nainom na silver cleaner.

vuukle comment

CREEKSITE

DIVISORIA

HENRY IGNACIO

ILAYA

ISANG

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MANNY BACANI

MARY JHONSTON HOSPITAL

SUCAT MUNTINLUPA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with