^

Metro

Kanong pedopilya, arestado

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Bagsak sa kulungan ang 69-anyos na Amerikano makaraan ang pitong taong pagtatago   matapos na maihain sa kanya ang warrant of arrest dahil sa kasong pedopilya, kama­kalawa sa Muntinlupa City.

Nakilala ang dinakip na si Harvey Smoller, naninirahan sa #12 Polillo St., Ayala Alabang, sa naturang lungsod.  Nabatid na nahaharap ito sa kasong sekswal na pang-aabuso sa dalawang menor-de-edad na lalaki may anim na taon na ang nakakaraan.

Nabatid na pababa pa lamang sa kanyang minamanehong Hyundai van (STR-879) si Smoller nang ihain nina SPO3 Elias Nero at SPO2 Henry Himbing ang warrant of arrest na inilabas ni Muntinlupa Regional Trial Court branch 207 Judge Philip Aguinaldo. 

Hindi na nakapalag ang dayuhan at idiniretso ng pulisya sa korte upang iprisinta.  Nagtakda naman ang korte ng P180,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Smoller habang dinidinig ang kaso.

Samantala, arestado rin sa pamamagitan ng paghahain ng warrant of arrest ang sinasabing isang lider ng “Sako Gang” na si Ronald Santiago, alyas Onad, ng #2472 M. Dela Cruz street, Pasay City.  Kasamang nadakip ng Pasay police ang kasamahan nito na si Terence Joseph Parino.

Nabatid na inihain ng mga tauhan ng District Intelligence Division ng Southern Police District ang warrant of arrest laban kay Santiago dakong alas-4:45 kamakalawa ng hapon ngunit hindi ito inabutan sa bahay nito.  Sa halip, nadiskubre at nakumpiska ng pulisya sa loob ng bahay ang mga armas na kalibre .38 rev, isang .9mm pistol, isang baby armalite, dalawang patalim, at isang sako na may lamang iba’t ibang uri ng cellular phones.

Namataan naman ng mga pulis ang parating na Nissan X-trail na walang plaka na kanilang pinalibutan at pinara.  Dito nadakip sina Santiago at Parino na nahaharap ngayon sa kaukulang kaso sa piskalya.

vuukle comment

AYALA ALABANG

DELA CRUZ

DISTRICT INTELLIGENCE DIVISION

ELIAS NERO

HARVEY SMOLLER

HENRY HIMBING

JUDGE PHILIP AGUINALDO

MUNTINLUPA CITY

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with