^

Metro

Paputok bawal sa Muntinlupa, Makati

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Mahigpit na ipagbabawal ang pagbebenta ng paputok sa mga lungsod ng Muntinlupa City at Makati sa pagsapit ng Pasko at Bagong Taon.  

Nilagdaan kamakalawa ni Muntinlupa City Mayor Aldrin San Pedro ang Executive Order No. 14, na naglalayong ipagbawal sa mga tindahan ang pagbebenta ng mga pa­putok sa buong lungsod. 

Nakasaad sa ordinansa na ipasasara ang mga tindahan na lalabag sa nabanggit na kautusan kung saan pa­patawan ng kaukulang parusa ang sinumang lalabag. 

Hindi lamang sa Muntinlupa, maging sa Makati City ay mahigpit na ipagbabawal ang pagpapaputok lalo na sa bahagi ng Brgy. Bangkal upang maiwasan ang naka­ambang trahedya.

Nagpasa rin ng ordinansa ang konseho ng Makati City, na mahigpit na ipagbabawal ang paputok partikular sa bahagi ng Brgy. Bangkal.

 Papatawan ng kaukulang parusa ang sinumang lalabag sa nabanggit na ordinansa. 

Nasa nabanggit na ba­rangay ang West Tower Con­do­minium kung saan tumagas ang langis mula sa nabutas na pipeline ng FPTIC.

Ayon sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Makati Ciy, kapag pinayagang magpaputok sa nabanggit na barangay ay posibleng magdulot ng trahedya.

vuukle comment

BAGONG TAON

BANGKAL

BRGY

EXECUTIVE ORDER NO

MAKATI CITY

MAKATI CIY

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY MAYOR ALDRIN SAN PEDRO

WEST TOWER CON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with