^

Metro

4 nangholdap ng jeep, natipuhang pasahero dinukot

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nilimas ng apat na holdaper ang mahahalagang gamit at pera ng mga pasahero ng isang jeep sa ginawang pagsalakay kung saan dinukot pa nito ang nakursunadahang dalagita sa kanilang pagtakas, kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Dumulog sa Navotas police ang mga biktima na sina Richard Apuya, 37, jeepney driver; live-in partner nitong si Rosemarie Apuya, 40 at mga pasaherong sina Mirasol Dunmigas, 32.  Narekober naman ang dinukot na biktima na itinago sa pangalang Ann.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi nang magdeklara ng holdap ang apat na hindi nakilalang suspek sa loob ng jeep pagsapit ng Pitong Gatang street, Brgy. Sipac-almacen, Navotas.

Matagumpay na nilimas ng mga salarin ang kinita ni Apuya, mga cellphones at tinangay pa ang dalagitang si Ann sa pagtakas nila. Agad namang humingi ng saklolo ang mga biktima sa Police Community Precinct 3 ngunit hindi na inabutan ang mga salarin.

Natukoy naman ng pulis ang biktimang si Ann sa loob ng barangay hall ng Brgy. Tugatog, Malabon City. Sinabi ni Ann na nagawa umano niyang makapiglas at makatakas sa mga dumukot sa kanya kung saan naiwasan ang mas masamang mangyayari sa kanya.

vuukle comment

BRGY

MALABON CITY

MIRASOL DUNMIGAS

NAVOTAS

NAVOTAS CITY

PITONG GATANG

POLICE COMMUNITY PRECINCT

RICHARD APUYA

ROSEMARIE APUYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with