^

Metro

Kelot nakuryente, patay

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nakuryente at tuluyang nasawi ang isang 40-anyos na lalaki habang nagkakabit umano ng ‘jumper’ o iligal na koneksiyon ng kuryente, sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Hospital si  Julie Selliza, 40,   ng Gate 13, Area B, Parola Cmpd., Tondo, Manila.

Tumanggi namang magpaimbestiga kay PO2 Jupiter Tajonera, ng Manila Police District-Homicide Section ang pamilya ng biktima, na pumirma na ng waiver mismo sa nasabing ospital.

Lumilitaw na dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa tapat nang tahanan ng nasawi.

Batay sa nakalap na ulat ng imbestigador mula sa ilang testigo, sinasabing kinontrata umano ang biktima ng isang kapitbahay para magkabit ng jumper sa poste ng kuryente.

Minalas naman umanong madikit ang biktima sa nakabukas na live wire at nakur­yente ito na naging dahilan din upang mahulog ito mula sa poste ng Meralco. Isinugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit binawian rin ng buhay dahil sa tinamong pinsala sa ulo at katawan.

vuukle comment

AREA B

BATAY

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

ISINUGOD

JULIE SELLIZA

JUPITER TAJONERA

LUMILITAW

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PAROLA CMPD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with