^

Metro

Senglot hulog sa flyover, tigok

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tuluyang nasawi kamakalawa ng gabi ang isang 28-anyos na lalaki makaraan ang limang araw na pagka-comatose sanhi ng pinsala sa ulo dulot ng pagkakalaglag nito buhat sa itaas ng flyover ng Roxas Blvd.-EDSA sa Pasay City kamakailan.

Nasawi sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Billy Transponte, residente ng Dimasalang St., Pasay City. Sa ulat ng pulisya, nabatid na pinababa si Transponte ng konduktor sa sinasakyan nitong bus sa ibabaw ng naturang flyover dahil sa pagsusuka sa loob ng behikulo bunsod ng sobrang­ kalasingan noong Oktubre 30 dakong alas-7 ng umaga.

May hinala ang pulisya dahil sa sobrang kalasingan, na­walan ng panimbang ang biktima sanhi upang malaglag ito sa flyover.  Agad namang isinugod ang biktima ng mga rumespondeng tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) rescue unit sa naturang pagamutan kung saan na-comatose ito dahil sa pinsala sa ulo. Sa imbestigasyon pa ng pulisya, nabatid sa tiyuhin nito na kakakalas lamang ng nobya ni Transponte sa kanilang relasyon na maaaring dinamdam nito nang husto sanhi upang maglasing ito.

vuukle comment

BILLY TRANSPONTE

DIMASALANG ST.

DIOS HOSPITAL

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NASAWI

OKTUBRE

PASAY CITY

ROXAS BLVD

SAN JUAN

TRANSPONTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with