Criminology stude dinedo sa harap ng syota

MANILA, Philippines – Pinagtulungang gulpihin at saksakin ang isang 17-anyos na Criminology student ng grupo ng kala­lakihan na sinasabing rumesbak sa kaniya sa panulukan ng Zafiro at Estrada Street sa San Andres Bukid, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Idineklarang patay sa Ospital ng Sta. Ana si Gerald John Capuz ng #5486 Boyle Street, Pa­lanan, Makati City.

Tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Ronald Roque, Gerald Al­moradie, Emmanuel Ber­ba, Nicorenzo Barruelo, isang alyas Omar, Jessie Boy Angeles at si Chris­topher alyas Topher.

Sa ulat ni PO3 Efren Flores ng Manila Police District-Homicide Section, lumilitaw na magkaka­samang nag-iinuman ng alak ang ilang kalalakihan kabilang na ang biktima at syota nito sa bahay ni Nicole Opianas nang ma­kihalubili ang mga suspek.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay sinuntok ng isa sa suspek ang syota ng biktima kaya ipinag­tanggol naman ng lalaki.

Dito na pinagtulungang kuyugin ng mga suspek ang biktima sa harap ng kanyang syota.

Show comments