Election protest dinismis

MANILA, Philippines - Ibinasura ng Commission on Elections (Co­ melec) ang election protest na isinampa ng na­talong vice gubernatorial candidate na si Rolando M. Perez laban sa na­nalong Vice Governor na si Manuel M. Madrid ng lalawigan ng Romblon.

Ayon sa legal counsel ni Madrid na si Atty. Jose P. Icaonapo, Jr., dating Governor ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) for Greater Manila Region, ang election protest ay dinismis ng COMELEC 2nd Division noong September 27, 2010.

Nabatid na nabigo si Perez na makapaglagak ng kailangang P1,390, 500.00 cash deposit na 1/3 na bayad para sa kan­yang protesta sa ibinigay na extension ng komisyon.

Lumilitaw na naka­pag­bayad ng nasabing halaga si Perez matapos ang extension period na ibinigay sa kanya ng Comelec kung kaya’t hindi na ito pinaboran pa ng komis­yon.

Show comments