^

Metro

Magkapatid natusta sa sunog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Magkayakap pang natag­puan ng mga bumbero ang mga bangkay ng isang mag­kapatid makaraang malitson nang buhay sa loob ng ka­nilang bahay sa sunog na naganap kahapon ng mada­ling-araw sa Las Piñas City.           

Kinilala ni Las Piñas fire marshall F/Chief Insp. Robert Pacis ang mga nasawi na sina Almeera Nabil Alsaad, 14; at naka­babatang kapatid na si Ibrahim, 12, kapwa naninira­han sa Block 37 Lot 18, Anli­nox St., BF Resort Village, Brgy. Talon 2, ng naturang lungsod.           

Ayon kay Pacis, natag­puan ang bangkay ng magka­patid na magkayakap malapit sa pinto ng bahay at halos hin­di na makilala dahil sa sob­rang pagkasunog.           

Sa inisyal na ulat ng Las Piñas Fire Deparment, unang sumiklab ang apoy sa bahay ng mga biktima dakong alas-3:52 ng madaling-araw na umabot lamang ng unang alarma at naapula dakong alas-4:26 ng madaling-araw.           

Sa imbestigasyon, umalis ng bahay ang madrasta ng mga nasawi na si May upang bu­mili ng pagkain at iniwang natutulog pa ang mga anak ngunit natutupok na ang taha­nan sa kanyang pagbalik.

Posible umano na nag­tangka pang lumabas ng ba­hay ang magkapatid ngunit ma­aaring nawalan ng malay malapit sa pinto dahil sa “suf­fo­cation” sa matinding usok hang­gang sa tuluyang lamu­nin ng apoy.           

Patuloy naman ang imbes­ti­gasyon ng mga arson inves­tigators sa pinagmulan ng apoy na sinasabing unang su­miklab sa kisame ng isang palapag na bahay ng mga biktima. Nabatid naman na nagtatrabaho sa ibang bansa ang ama ng mga biktima.

vuukle comment

ALMEERA NABIL ALSAAD

CHIEF INSP

FIRE DEPARMENT

LAS PI

RESORT VILLAGE

ROBERT PACIS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with