^

Metro

15 APO members kinasuhan sa hazing

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pormal nang iniakyat sa Makati Regional Trial Court ang kasong paglabag sa Anti-Hazing Law sa 15 miyembro ng Alpha Phi Omega fraternity makaraang desisyunan ng Makati City Prosecutor’s Of­fice na may probable cause o direk­tang kaugnayan ang mga ito sa pagkasawi ng isang estudyante sa isinaga­wang hazing rites.

Sa resolusyon na pinirma­han at inaprubahan ni City Pro­secutor Feliciano Aspi, sapat na ang mga ebiden­syang isinumite ng Makati police para makita ang pro­bable cause sa kaso laban kina John Rey­nald Marin, Roesel Wences­lao, Michael Pagulayan at Rico Man­salapus.

Nasa kustodiya na ng pu­lisya ang apat na akusado habang pinaghahanap pa ang 11 pa na nakilalang sina Haren Ray Tigno, Jorie Ann Acob, Sheldon Derrick So­riano, Raycon Vargas, Ronnel Galas, Mar Anthony Laroza, John Paul Buban, Jeven Soquita, Kim de Roxas, Niko Moreto at Noel Mallari.

Ang mga akusado ang iti­nuturong may mga direktang kaugnayan sa pagkasawi ng 19-anyos na si EJ Carl Intia sa hazing ng naturang fra­ternity noong Agosto 14. Iti­nakda naman ang prelimi­nary investigation sa Setyem­bre 7 at 14 bago ipa-raffle ang kaso kung sinong hukom ang mag­lilitis nito. Wala namang itinak­dang piyansa para sa mga akusado.

Nasa kustodiya naman ng Makati Social Welfare De­ part­ment ang ikalimang sus­pek na sumuko sa pulisya, hindi ito pinangalanan dahil sa pagiging menor-de-edad nito.

Ayon kay Prosecutor Lody Tancioco, positibo na suma­ilalim sa inisasyon ng APO fraternity si Intia base sa per­sonal na notebook at mga leaf­lets na pag-aari nito at isinumite ng ama nitong si Oscar sa pulisya.

Matatandaan na natag­puan ang bangkay ni Intia noong Agosto 15 sa isang ba­ngin sa Sta. Maria, Laguna isang araw matapos ang ini­tia­tion rites. Sa awtopsiya, nag­­tamo ng matitinding bug­bog sa hita ang biktima bunga ng palo ng paddle ngunit nasawi ito dahil sa mga palo sa ulo at sa kanyang kase­lanan.

vuukle comment

AGOSTO

ALPHA PHI OMEGA

ANTI-HAZING LAW

CARL INTIA

CITY PRO

FELICIANO ASPI

HAREN RAY TIGNO

INTIA

JEVEN SOQUITA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with