^

Metro

Chief 'torturer' bantay-sarado

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Bantay sarado na ngayon si Senior Inspector Joselito Binayug, ang sinibak na com­mander ng Asuncion, Tondo Police Community Precinct sa Maynila na sinasabing nag-torture sa hubo’t-hubad na na­arestong holdaper sa kan­yang hurisdiksyon.

Ayon kay PNP Chief, Di­rector General Jesus Verzosa, 24 oras na nakabantay ang kanilang mga tauhan sa galaw ni Binayug upang ma­tiyak na hindi ito makatatakas. Una rito, inulan ng kaliwa’t kanang batikos ang nasabing Police Community Precinct partikular na mula sa human rights groups matapos na mapanood sa isang television footage ang nasabing torture scandal. Sinabi ni Verzosa na kasabay ng pagmo-monitor sa galaw ni Binayug, inaalam na rin ng binuong Task Group ang rekord nito sa gitna ng ulat na patung-patong ang kina­kaharap nitong mga asunto.

Si Binayug kasama ang kan­yang mga tauhan ay sinibak sa kanilang puwesto matapos lumabas ang video footage sa pangto-torture sa isang hubo’t hubad na lalaki na hinihila pa ang ari sa loob ng istasyon.

Samantala, inihahanda na ng NCRPO ang kasong admi­nistratibo at criminal laban sa mga sangkot.

Nilinaw din ni NCRPO Chief, Director Leocadio San­tiago na hindi na nila kaila­ngan pa ng complainant bago makasuhan ang mga pulis. (May dagdag ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BINAYUG

DANILO GARCIA

DIRECTOR LEOCADIO SAN

GENERAL JESUS VERZOSA

POLICE COMMUNITY PRECINCT

SENIOR INSPECTOR JOSELITO BINAYUG

SHY

SI BINAYUG

TASK GROUP

TONDO POLICE COMMUNITY PRECINCT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with