Tomboy iniwan ng nobya, nagbigti

MANILA, Philippines - Nagpatiwakal ang isang 23- anyos na sinasabing tomboy sa pamamagitan ng pagbibigti sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dinatnan na lamang ng kaniyang mga magulang si Ruby Ann Corpuz, ng Dagupan st., Tondo,  Maynila na ma­tigas na ang katawan habang nakabitin gamit ang isang nylon cord, sa loob ng kanilang bahay, dakong alas-10 ng gabi, kamakalawa.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima dakong alas-9 ng umaga, na naiwan sa bahay kasama ang pamangkin na 3 taong gulang lamang.

Hiniling ng pamilya ng biktima na huwag nang imbestigahan ng pulisya ang insidente dahil alam umano nila na walang naganap na foul play.

Sinasabing masama ang loob ng biktima dahil sa paki­kipagkalas ng nobya.

Show comments