Lalaki patay sa holdap

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 28-anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin ng mga hindi nakilalang holdaper, kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Tatlong oras pang naki­paglaban sa kamatayan bago tuluyang nalagutan ng hininga sa loob ng Os­pital ng Makati ang bikti­mang si Perfecto Calog, ng #79-G Urduja St. Brgy. West Rembo, ng natu­rang lungsod.

Sa imbestigasyon ng Makati police, naganap ang krimen dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa JP Rizal Street, Makati.

Naglalakad pauwi ang biktima nang harangin ng mga salarin.

Posible umanong pu­ma­lag ang biktima na ibi­gay ang kanyang suweldo sa mga suspect sanhi upang pagsa­saksakin ito.

Nakatakbo pa at naka­hingi ng tulong sa kanyang tiyahin ang biktima na siyang nag­sugod din sa kanya sa paga­mutan su­balit binawian din ng buhay dakong alas-4 ng ma­da­ling-araw.

Show comments