^

Metro

Dugo-dugo gang umatake, P4-milyong alahas tangay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Muli na namang umatake ang kilabot na grupong Dugo-dugo gang matapos na isang katulong ng retiradong dietician ang natangayan ng aabot sa P4 na milyong halaga ng mga alahas sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Dumulog kahapon sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detective Unit ng Quezon City Police ang biktimang si Lily Sison, 74, ng 101-B, Gonzales St., Loyola Heights para humingi ng tulong kaugnay sa insidente.

Sa pagsisiyasat, partikular na naloko ng grupo ang katulong ng biktima na si Marissa dela Torre na tulad ng dating modus operandi ang pagtawag sa tele­pono ng mga suspect at magkukun­waring nasangkot sa vehicular accident ang kanyang amo.

Nangyari ang ganitong modus sa pa­gitan ng alas 11:30 ng umaga hang­gang alas 3 ng hapon kamakalawa mata­pos na makatanggap ng tawag sa telepono si dela Torre mula sa isang babae.

Sinasabing habang nag-uusap ang katulong at suspect ay ipinakausap pa ng huli sa una ang isa pang babae na nag­panggap na kanyang among si Mrs. Sison na nagsabing nasangkot siya sa vehicular accident at nangangailangan ng pera.

Dahil dito, inutusan ng suspect ang katulong na distrungkahin ang lock ng cabinet saka kunin ang isang sets ng alahas para magamit ng amo sa pagpa­pagamot.

Napaniwala naman ang katulong at ginawa ang sinabi ng suspect kasama ang dalawa pang katulong saka inutusang dalhin ang gamit sa Muñoz Market. Pero bago nito, sinabihan pa ng suspect ang katulong na huwag sasabihin sa iba na naaksidente ang kanyang amo.

Pagsapit sa nasabing lugar ganap na alas-4 ng hapon ay sinalubong ang ka­tulong ng isang lalake at kinuha ang dala niyang alahas. Patuloy naman ang im­bes­tigasyon ng pulisya sa nasabing insi­dente.

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTIVE UNIT

DAHIL

DUGO

GONZALES ST.

KATULONG

LILY SISON

LOYOLA HEIGHTS

MRS. SISON

QUEZON CITY POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with