2 American pedophiles ipinatapon ng BI

MANILA, Philippines - Ipinag-utos ni Im­migra­tion Commis­ sioner Marcelino Liba­nan ang pag-aresto at pag deport sa dalawang Ame­rican pedophiles na matagal nang pinagha­hanap sa kanilang bansa.

Sa bisa ng warrant of deportation na inisyu ni Libanan, kinilala ng mga elemento ng BI-Interpol sa pangu­nguna ni Floro Balato Jr. ang naares­tong sus­pek na si Jeffrey Dana Pounders, 49; at Kenneth James Swee­ney, 69.

Si Sweeney ay pi­na­tapon palabas ng bansa noong Hunyo 16 sakay ng Continental Airlines flight sa Guam at pa­pun­tang US mainland kung saan ito may kakaha­raping kasong child pornography at sang­kot sa illicit sexual conduct sa US district court sa Florida.

Samantalang naka­takda namang i-deport si Pounders bukas Hunyo 23 kung saan ito may­roong arrest war­rant sa grand jury sa Jefferson County, Ala­bama dahil sa ka­song child molestation.

Kaagad nag-isyu ang BI board of commis­sioners ng summary deportation laban kina Pounders at Sweeney matapos na ipaalam ng US State Department na pina­wa­lang-bisa na ang kanilang pasaporte kayat maituturing na undocumented aliens na ang mga ito.

Lumalabas sa re­cord na nakaaresto na ang BI-Interpol ng 20 Ame­rican fugitives simula noong 2009.

Show comments