^

Metro

Rookie cop, 1 pa timbog sa droga

- Danilo Garcia, Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang baguhang pulis at alalay nito ang nadakip ng pi­nag­sanib na puwersa ng Philip­pine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) at Pasay City police dahil sa pag­be­benta ng cocaine, ka­maka­lawa ng hapon sa Pa­say City.

Nakilala ang nada­kip na si PO1 Rodelio Rana, 35, nakatalaga sa Police Community Precinct 6 ng Pasay Police at nanini­rahan sa Tramo St., San Ro­que, ng naturang lung­sod at ang kasama nitong si Noel Barto­lome, 31.

Sa ulat na nakara­ting kay Sr. Supt. Raul Petra­santa, hepe ng Pasay Police, naganap ang buy-bust operation dakong alas-4:30 ng hapon sa isang park­ing area sa natu­rang lungsod.

Nakumpiska sa mga suspek ang 1 kilo ng hini­hinalang cocaine na nag­kakaha­laga ng P1.5 mil­yon matapos na tumang­gap ang mga suspek ng marked money sa po­seur-buyer ng pu­lisya at PDEA. Nakum­piska rin ang kalibre .9mm na service firearm ni Rana.

Lumabas sa pagsi­si­­ya­­sat na galing uma­no sa lalawigan ng Samar ang cocaine, habang inaalam pa ng PDEA kung sino pa ang nasa likod ng illegal na aktibidad ng dalawa.

Agad naman iniutos ni Petrasanta ang agarang pagsasampa ng kasong administra­tibo laban kay Rana, pati na ang ma­susing imbestigasyon sa kan­yang aktibidades.

vuukle comment

DRUG ENFORCE

NOEL BARTO

PASAY CITY

PASAY POLICE

POLICE COMMUNITY PRECINCT

RAUL PETRA

RODELIO RANA

SAN RO

SHY

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with