SB waging congressman sa Quezon City

MANILA, Philippines - Maingay at mainit ang pagsigaw ng mga taga -suporta ni outgoing  QC Mayor Feliciano “SB” Belmonte Jr. bago ito iproklama ng Commission on Elections sa QC Albert Hall sa City Hall bilang nanalong kongresista sa district 4 ng lungsod kahapon ng umaga. Umalingawngaw ang sigawan ng mga supporter at party mates ni SB sa pagsasabi ng “Speaker! Speaker!”  na sinasabing pinakamatinding contender sa pagka- speaker sa mababang kapulungan.

Inaasahan na si Belmonte ng  Liberal Party ang matinding makakalaban ni Pangulong Gloria Arroyo kapag pormal na itong magwawagi sa kandi­datura nito sa ikalawang distrito ng Pampanga bilang representative. Sinabi pa ni Belmonte sa isang panayam na ma­lamang na siya ang basbasan ng kanilang partido para maging house speaker. Malaki naman ang paniwala ni Belmonte na si GMA ang magiging matinding kalaban niya sa pagka-Speaker.

Show comments