SB itinangging sinusuportahan si Defensor

MANILA, Philippines - Pinabulaanan kahapon ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte, Jr. ang kumalat na text mes­sages na nagsasabing si Michael Defensor na ang kanyang sinusuportahan at hindi ang kanyang party-mate na si Herbert Bautista para maging kanyang successor.

“Wala itong katotoha­nan,” pahayag ni Belmonte matapos siyang bumoto sa Christ The King Seminary kahapon dakong alas-9 ng umaga.

Ang outgoing mayor ay tumatakbo bilang con­gress­man sa ika-apat na distrito ng QC, habang ang kanyang anak na si Joy Belmonte naman ay kan­didato sa pagka-bise alkalde at running mate ni Bautista.

“Huwag kayong palin­lang sa ganitong mga mes­sages na umanoy galing sa inyong mayor o kahit isa sa kanyang staff na humi­hiling na suportahan si Defensor. Hindi wini-with­draw ni Mayor Belmonte ang kanyang suporta kay Herbert Bautista,” ayon pa sa text messages buhat sa kanyang tanggapan.

Tinawag pa ito ni Bel­monte na “politically trickery at its worst.”

Kumpiyansa naman si SB sa tandem ni Bautista at Joy B.

“Naniniwala akong ang aking anak ay most pre­pared sa kanilang lahat na tumatakbo sa pagka-bise-alkalde. Kilala at tanggap siya saan mang sulok ng Quezon City. Nakita na rin niya ang kabuuan ng lungsod,” dagdag pa ng mayor.

Show comments