Nanira sa gate ng CHED kinasuhan

MANILA, Philippines - Isinampa ng Quezon City Police Dis­trict ang kasong malicious mischief laban sa mga militanteng estudyante ng Poly­technic University of the Philip­pines na sumugod at na­nira sa gate ng Commis­sion on Higher Education sa kanilang kilos-protesta noong Marso 24.

Kabilang sa kinasu­ han sina Verser Crisos­tomo, Noli Anoos at Baby Pare­nas at iba pang mga hindi pi­nangalanang es­tud­yante.

Pinayagan ni CHED Executive Director Julito Vitriolo ang QCPD na ide­manda ang mga estud­yante dahil sa paninira ng gate ng ahensya ng mga nagpoprotestang estud­yante ng PUP ukol sa isyu ng labis na pagtataas sa matrikula sa naturang uni­bersidad.

Show comments