Police at military visibility palalakasin pa para sa May polls

MANILA, Philippines - Aarangkada na sa Metro Manila ang mga motor­cycle-riding cops at mga sun­dalo na lululan din ng multicab at patrol cars upang 24 oras na magsa­gawa ng pagpapatrulya ka­ugnay ng gaganaping halalan sa Metro Manila.

Sinabi ni AFP-National Capital Region Police Of­fice (AFP-NCRCOM) Chief Rear Admiral Feli­ciano Angue, ito’y alin­sunod sa kautusan ng Comelec sa AFP at PNP na palakasin pa ang police visibility sa Metro Manila upang mapi­gi­lan ang mga karahasan kaugnay ng nalalapit na eleksyon.

Ayon kay Angue, parti­kular na babantayan ay ang mga lugar kung saan may mga naitala ng insi­dente ng matinding bang­gaan ng pulitiko at girian ng kanilang mga supporters .

Inihayag ni Angue , alinsunod sa pagsailalim nila sa kontrol ng Comelec, epektibo kahapon ay maki­kita na sa mga lansangan ang mga magpapatrulyang mga elemento ng militar at pulisya.

Show comments