^

Metro

Kano hulog mula 10th floor ng condo

-

MANILA, Philippines - Inaalam ng pulisya kung tumalon o aksiden­teng nahulog ang isang American national mula sa ika-10 palapag na condo­minium na tinutuluyan nito matapos matagpuan ang bangkay nito sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na report, naki­lala ang biktima na si Dean Edward Buzoff, 52, taga-Pennsylvania, USA at kasalukuyang nanunulu­yan sa Unit #1016 Park Ave­nue Mansion, na mata­tagpuan sa Park Avenue, Pasay City.

Nagtamo ito ng matin­ding pinsala sa ulo at nag­kalasug-lasog ang kata­wan na naging da­hilan ng agaran nitong ka­ma­tayan.

Nabatid na tumawag sa pulisya ang security guard na si Rodrigo Re­gahai upang ipaalam ang insidente.

Ayon kay Regahai, habang nagsasara siya  ng ilaw, napansin nito ang nakahandusay at duguang biktima sa kaha­baan ng F. Sanchez St., harapan ng Dave’s Fine Apart­ment, na malapit lamang sa condo­minium na tinutuluyan nito, dakong alas-11:45 ng gabi.

Dahil dito ay mabilis na ru­mesponde ang mga ka­gawad ng Pasay City Po­lice at dito nga tumam­bad sa kanila ang duguan at wala ng buhay na biktima na kinilala sa pamama­gitan ng passport at mga per­so­nal na dokumentong na­kuha dito.

Ayon sa pulisya, nag­sa­­sagawa sila ng malali­mang imbestigayon kung ang nabanggit bang dayu­han ay tumalon, nahulog o inihulog mula sa ika-10 pa­­lapag na condominium na tinutuluyan nito. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

DEAN EDWARD BUZOFF

FINE APART

LORDETH BONILLA

PARK AVE

PARK AVENUE

PASAY CITY

PASAY CITY PO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with