^

Metro

Holdaper dedo sa shootout

-

MANILA, Philippines - Isa sa tatlong hinihinalang holdaper ang napatay ng mga tauhan ng pulisya matapos ang habulan at palitan ng putok sa bahagi ng Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Walang nakuhang pagkakakilanlan sa nasawing suspect.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling-araw, sa panulukan ng Soler St. at Rizal Ave., Sta. Cruz, Maynila.

Nabatid na nadaanan ng mga nagpapatrulyang pulis ang isang Roderick Gonzales na hinoldap umano ng mga suspek habang nag-aabang ng masasakyang dyip. Hinabol ng mga awtoridad ang mga suspek na nang abutan at sitahin ay nagpaputok ng baril. Dahil dito napilitan ang mga parak na gumanti ng putok na ikinamatay ng isa sa mga ito habang nakatakas ang dalawang kasamahan nito. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

AYON

CRUZ

DAHIL

HINABOL

LUDY BERMUDO

MAYNILA

RIZAL AVE

RODERICK GONZALES

SOLER ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with