Botante ng Makati binalaan sa survey

MANILA, Philippines - Isang abogado ang nagbabala sa mga botante ng Makati City laban sa mga self-serving survey na naglalayong itago ang maraming taong pagpapa­baya ng pamahalaan at makaiwas sa mata ng publiko.

Nagbigay ng naturang babala si Erwin Genuino na kandidatong alkalde ng Bigkis Pinoy sa Makati City.

Pinatutungkulan niya ang lumalabas na survey na nagsasabi umano na nangunguna ang isa niyang kalaban sa pagka-alkalde ng lunsod.

Gayunman, naniniwala si Genuino na hindi na papayag ang mga botante na muling maloko ng maliwanag na ‘biased at paid survey’ na naglala­yong isulong ang political interests ng kampo ng kanyang katunggali.

“Panahon na para sa­bihing tama na. Karapat-dapat mabigyan ng mas maraming atensyon ng pamahalaan ang mahihi­rap na mamamayan. Tutu­lan natin ang politics of patronage kung gusto natin ng tunay na pagbabago sa ating buhay,” sabi pa ni Genuino.

Ayon pa kay Genuino, naghahanap pa rin ang mga taga-Makati ng tu­tugon para sa tunay na pag-asenso ng lunsod lalo na ang pag-angat ng kabuhayan ng mga mahi­hirap. (Danilo Garcia)

Show comments