^

Metro

Mag-ina patay sa sunog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 60-anyos na ginang at anak nitong babae nang maipit sa loob ng nasunog nilang bahay sa East Greenhills, Mandalu­yong City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga nasawi na sina Concepcion Goho at 30-anyos nitong anak na si Kristina na kapwa natagpuan sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa may no. 703 Buffalo Street, East Greenhills.

Sinabi ng Mandaluyong police na sumiklab ang apoy dakong alas-9:40 ng gabi ng Sabado. Unang nadiskubre umano ang apoy sa main door ng bahay ng mister ni Con­cepcion na si Rockwell kung saan nakasabit ang ilang Christmas lights.

Mabilis na kumalat ang apoy sa unang palapag ng bahay kung saan humingi ng saklolo si Rockwell sa tatlo nitong kasambahay na sina Lea Tejero, Melcris Palmero, at Elisa Bayle upang apulain ang apoy gamit ang fire extinguisher. Ngunit dahil sa kapal ng usok, napilitang lumabas ng bahay ang apat gamit ang pinto sa likuran ng bahay.

Huli namang nakitang nasa library ng bahay ang mag-inang Goho bago su­miklab ang apoy at hindi na nakalabas ng bahay dahil sa apoy sa unang palapag at sa mga bakal na grills sa kani­lang mga bintana.

Naapula naman ang apoy makaraan ang mahigit isang oras saka nadiskubre ang bangkay ng dalawang bik­tima. Sa inisyal na imbesti­gas­yon, faulty electrical wiring ang sanhi ng apoy na maaaring nagmula sa Christmas lights ng bahay.

Nauna dito, dakong alas-6:45 kamakalawa rin ng gabi nang sumiklab ang isa pang sunog sa may Brgy. San Joaquin, Pasig City kung saan 20 kabahayan ang tinupok ng apoy. Nabatid na nagmula ang apoy sa bahay ng isang Dominador Ablen sa Villa Munzon Street at kumalat sa mga katabing bahay.

vuukle comment

APOY

BAHAY

BUFFALO STREET

CONCEPCION GOHO

DOMINADOR ABLEN

EAST GREENHILLS

ELISA BAYLE

LEA TEJERO

MELCRIS PALMERO

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with