^

Metro

2 sekyu pisak sa truck

-

MANILA, Philippines - Nagkalasug-lasog ang katawan ng dalawang security guard matapos na masagasaan ng rumaragasang cargo truck sa may Balintawak sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Tomas Dolor at Gilbert Francisco. Iniimbestigahan naman ng Traffic Sector 6 ng QCPD ang nakasagasang truck na si Ronnie Abanilla,32, ng Cama­ligan, Camarines Sur.

Sa ulat, nangyari ang insi­dente sa may northbound lane ng Balintawak sa Edsa pasado alas- 2 ng hapon.

Ayon kay SPO2 Domingo Valerio ng TS6, self accident umano ang nangyari dahil habang sakay ng isang Mitsu­bishi Motorcycle (4179-NB) ang mga biktima na minamaneho ni Dolor ay nawalan ito ng kontrol pag­sapit sa overpass ng Ba­lintawak.

Mula dito ay bumuwal ang motorsiklo ng mga biktima kung saan dumarating naman ang ruma­ragasang Isuzu cargo truck (TGN-509) na dala ni Abanilla, at sa bilis ay hindi na nito naga­ wang mapagpreno at tuluyang sinagasaan ang dalawa.

Dead on the spot sa lugar si Dolor habang nagawa pang isugod sa Quezon City General hospital si Francisco ngunit idineklara itong patay makalipas ang gamutan. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

BALINTAWAK

CAMARINES SUR

DOMINGO VALERIO

GILBERT FRANCISCO

QUEZON CITY GENERAL

RICKY TULIPAT

RONNIE ABANILLA

SHY

TOMAS DOLOR

TRAFFIC SECTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with