Engineer tinarakan ng ka-live-in

MANILA, Philippines - Nasa malubhang kalagayan ang isang inhinyero makara­ang saksakin sa sikmura ng kanyang kinaka­samang babae sa gitna ng kanilang pagtatalo, kama­kalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Inoobserbahan ng mga manggagamot sa Las Piñas Doctors Hospital makaraang lumuwa ang bituka ng biktimang si Mark Tan, 30, ng Block 9 Lot 16 Sambaya­nihan Peoples Village, CAA, ng naturang lung­sod. Sumuko naman sa pulisya ang kinakasama nitong si Teresita Bacsal, 27, makaraan ang pana­naksak. Nabatid na nagtamo rin ito ng sugat sa kanyang kaliwang kamay.

Sa ulat ng Las Piñas police, nagtatalo ang magka-live-in kamakalawa ng gabi dahil sa umano’y pagseselos ni Bacsal sa isang babae na karelasyon rin ni Tan. Dinig na dinig umano ng kanilang mga kapit­bahay ang sigawan ng dalawa hanggang sa marinig na lamang nila na humingi ng saklolo si Tan.

Mabilis na isinugod ng mga kapitbahay si Tan sa pa­ gamutan kung saan masuwerteng nailigtas ito sa ka­matayan. Nabanggit pa nito sa pulisya na wala umano siyang planong sampahan ng kaso ang kina­ kasama dahil sa napatawad na niya ito sa ginawa at nananatili ang kanyang pagmamahal dito. (Danilo Garcia)

Show comments