^

Metro

Killer patay din sa sariling baril: NBI agent tinodas

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang civilian agent ng National Bureau of Inves­ti­gation na isa ring negos­yante ang binaril at napatay ng isang nakamo­torsiklong lalaki bagaman napatay din ng suspek ang sarili nito sa Binondo, Manila kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Manila Police District-Homicide Section chief C/Insp. Erwin Marga­rejo ang biktimang si Dios­dado “Bong” Soriano, 43, residente ng 1189 Wagas St., Tondo, Manila.

Ayon kay Det. Rommel Del Rosario ng Manila Police District, ang nasawing suspek ay may edad na 38 hanggang 42 anyos, may taas na 5’7, medyo kulot ang buhok, may tattoo sa kanang balikat.

Sa imbestigasyon, ak­si­denteng nabaril umano ng suspek ang kaniyang hita ha­bang papatakas sa may tapat ng Police Assistance Center ng MPD-Binondo-Station11 sa pa­ nulukan ng Recto at Soler St sa Binondo.

Nagbabantay sa kani­yang mga panindang pru­tas si Soriano nang lapitan ng sus­pek at agad na pi­nutukan sa ulo.

Matapos ang pamama­ril ay naglakad lamang ang suspek patungo sa naghi­hintay na motorsiklo na minamaneho ng isa pang di nakilalang suspek.

Habang tumatakas ang mga suspek at binabagtas ang Benavidez st., panulu­kan ng Luzon St., sa Tondo, biglang nahulog mula sa motorsiklo ang gunman at nakitang may tama ng baril sa hita ha­bang ang kasa­mang sus­pek ay iniwan na siya.

Nabatid na ang baril ng suspek na nakapatay dito ang ginamit din niya sa pagpaslang sa biktima.

vuukle comment

BINONDO

ERWIN MARGA

LUZON ST.

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

NATIONAL BUREAU OF INVES

POLICE ASSISTANCE CENTER

ROMMEL DEL ROSARIO

SHY

SOLER ST

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with