^

Metro

Trader, helper todas sa holdap

-

MANILA, Philippines - Isang negosyante at helper nito ang napatay nang pumalag sa apat na holdaper at pagbabarilin sa lungsod Quezon kamakalawa.

Dead on the spot sa pinangyarihan ng insidente ang mga biktima na sina Danilo Ambil, 35, negosyante ng   Everlasting St., Brgy. Payatas; at ang helper nitong nakilala lamang sa pangalang Glen.

Ayon sa ulat, posibleng ang mga suspek ay grupo ng riding in tandem gang na matagal nang nagmamanman sa mga biktima dahil alam ng mga ito ang oras ng pagdadala ng mga ito ng pera.

Sa ulat, nangyari ang insidente sa may Everlasting St., Brgy. Payatas ganap na alas-9 ng gabi.

Sinasabing kababa lamang umano ng tricycle ng mga biktima nang biglang dumating ang dalawang XRM na motorsiklo na kulay asul at pula na walang mga plaka at hinarang ang mga una.

Mula dito ay pilit na kinukuha ng dalawa sa mga suspek ang dalang bag na naglalaman ng pera kay Ambil. Nang tumanggi si Ambil ay napilitan ang isa sa mga suspek na barilin ito sa tagiliran.

Sumaklolo si Glen sa kanyang amo, ngunit maging ito ay pinagbabaril din ng mga suspek. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

AMBIL

AYON

BRGY

DANILO AMBIL

EVERLASTING ST.

ISANG

MULA

PAYATAS

RICKY TULIPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with