Boarders ipaparehistro

MANILA, Philippines - Inihain kamakailan sa Manila City Council ang isang panukalang ordinansa na oobliga sa mga bed spacer at boarder na magpare­histro sa kinaroroonang barangay.

Inakda ni Manila Vice Mayor at City Council presiding officer Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang panukala na sinupor­ tahan nina Councilors Ernesto Isip Jr., Ernesto Dionisio Jr. at Maria Shiela Lacuna-Pangan.

Nakasaad sa ordinansa na ang lungsod ng Maynila ay patuloy na nagiging desti­nasyon ng libu-libong estudyante at mga nagha­hanap ng trabaho.

Dahil dito, karapatan din ng mga may-ari ng mga boarding house na malaman ang tunay na pagkakakilanlan ng mga uupa sa kanilang bahay habang pansamantalang nanunuluyan.

Ang hindi pagkakarehistro sa mga ba­rangay ay kadalasang paraan ng ilang mga sindi­kato para sa kanilang mga iligal na operasyon. (Doris Franche)

Show comments