^

Metro

2 estudyante nabaril ng kapwa estudyante

-

MANILA, Philippines - Sugatan ang dalawang high school students nang mabaril ng pen gun ng kap­wa estudyante sa loob ng compound ng pampub­li­kong paaralan sa Tondo, kahapon ng umaga.

Kasalukuyang naka-confine sa Mary Johnston Hospital ang mga bikti­mang sina Marie Hanopol, 13, ng Quirino St., Tondo na nagtamo ng bala sa ka­liwang balikat habang si Sharmaine Aguilar, 14, ng Panday Pira St., Tondo na nagtagusan ang bala sa katawan, kapwa 1st year high school student ng Tondo High School.

Mabilis namang ina­resto ang suspek na si Fran­cisco Villar, 16, 3rd year high school residente ng Mata St., Tondo at es­tud­yante rin ng nasabing paaralan.

Sa ulat ng pulisya, da­kong alas-9 ng umaga nang maganap ang insi­dente sa loob ng nasabing eskuwelahan sa Masinop St., Tondo, Manila.

Depensa ni Villar, na­ka­pulot umano siya ng pen gun habang nagla­lakad papasok ng paaralan at nang nilalaro umano ito ay aksidenteng nakalabit at pumutok, na tumama na­man sa mga biktima ang bala. Unang nasapul ng bala sa tiyan si Aguilar at tu­ma­gos palabas na tu­mama pa uli sa balikat ni Hanopol.

Bukod kay Villar, iim­bestigahan din ang se­curity guard ng eskwe­la­han kung bakit nakalusot ang es­tudyanteng may dalang baril. (Ludy Ber­mudo)

vuukle comment

LUDY BER

MARIE HANOPOL

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MASINOP ST.

MATA ST.

PANDAY PIRA ST.

QUIRINO ST.

SHARMAINE AGUILAR

SHY

TONDO HIGH SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with