^

Metro

2 kelot nagbigti

-

MANILA, Philippines - Isang 33-anyos na sekyu ang natagpuang patay habang ang bangkay nito ay nakabitin sa kisame sa loob ng kanilang banyo kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Bernabe Tumalabe, isang security guard, ng #48 Marquez St., Payatas-B, Quezon City. Ganap na alas-12:30 ng madaling-araw nang matagpuan ang bang­kay ng biktima ng kanyang asawa na si Jocelyn.

Kuwento ni Jocelyn sa pulisya, galing umano siya sa tra­baho at pag-uwi niya sa kanilang bahay, wala sa kuwarto ang mister. Nang pumasok siya sa kanilang banyo, tumambad sa kanya ang malamig na bangkay ng kanyang asawa na naka­bitin mula sa kisame gamit ang nylon cord. Nang respon­dehan ang insidente, agad namang dinala ng mga tauhan ng Scene on the Crime Operatives (SOCO) ng PNP ang bang­kay ng biktima para sa kaukulang awtopsiya.

Patuloy na binubusisi ng pulisya ang kasong ito para malaman kung nagpakamatay o may foul play sa pagkamatay ng biktima. 

Samantala, nagbigti rin ang isang binatang may kapansa­nan sa pag-iisip sa Valenzuela City kahapon. Patay na nang ma­kita si Leonardo Leonin, 31, taga-Parada ng lungsod na ito.

Base sa ulat, ala-1 ng hapon nang makitang nakabigti ng nylon cord ang biktima sa 2nd floor ng kanilang bahay ng kanyang kaanak.

Nabatid na may kapansanan sa pag-iisip ang biktima kung saan inaalam na kung may naganap na foul play sa pagka­matay nito. (Angie dela Cruz at Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BERNABE TUMALABE

CRIME OPERATIVES

JOCELYN

LEONARDO LEONIN

LORDETH BONILLA

MARQUEZ ST.

NANG

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with