^

Metro

Umihi sa pader, tiklo sa baril

-

MANILA, Philippines - Dahil sa paglabag sa city ordinance­, makaraang umihi sa pader, nabisto tuloy   ang itinata­gong baril ng isang 18-anyos na lalaki kaya lalong lumaki ang kaso matapos maaresto, kaha­pon ng madaling-araw sa Paco, Maynila. Kinilala ang nadakip na si Ralph John Villa, ng J. Nakpil St., Paco, Maynila. Sa ulat, dakong alas- 2:00 ng madaling-araw nang sitahin at arestuhin ang suspek sa panulukan ng J. Nakpil at A. Linao St., Paco. Nati­yempuhan ang suspek ng nagpapatrulyang mga pulis ang suspect na umiihi sa pader kaya ito nilapitan para sitahin. Subalit nagtangkang tumakas ang nadakip kaya hinabol ng mga pulis at nang abutan at kapka­pan ay doon nadiskubre ang dala nitong kalibre .22 magnum revolver. (Ludy Bermudo)


vuukle comment

DAHIL

KINILALA

LINAO ST.

LUDY BERMUDO

MAYNILA

NAKPIL

NAKPIL ST.

NATI

RALPH JOHN VILLA

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with